Russian PM, malugod na tinanggap si PRRD sa kanilang ‘White House’

Nagpahayag ng interes sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Ito ay nangyari sa kanilang bilateral meeting kahapon.

Sa kanyang opening remarks, binanggit ng Pangulo ang pagdaong ng Philippine Navy Ship na BRP Tarlac sa Vladivostok noong 2018 para bigyang diin ang strategic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Russia lalo na sa defense at security.


Aniya, maituturing itong historic milestone sa relasyon ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, sa una niyang pagbisita sa Russia noong 2017 ay naitatag na ang pundasyon ng bilateral cooperation.

Naging mainit ang pagtanggap ni Prime Minister Medvedev kay Pangulong Duterte sa Moscow.

Ayon kay Medvedev – interesado sila sa pagsusulong ng mga proyekto pang-transportasyon, enerhiya, agrikultura at humanitarian.

Tila nang-asar din si Medvedev sa Estados Unidos matapos sabihing mas malaki ang ‘White House’ nila kaysa sa US.

Facebook Comments