Russian President Putin, nagsalita na ukol sa pangingialam ng Russia sa US elections

Russia – Nagsalita na si Russian President Vladimir Putin ukol sa isyung pangingialam ng Russia noong United States Elections.

Naniniwala si Putin na kagagawan ng mga “patriotic hackers” mula sa kanilang bansa ang nakialam sa halalan ng US.

Dagdag pa ng presidente ng Russia – pwedeng ginawa lamang ng isa sa kanilang kababayan na nagmamalasakit sa kanilang bansa.


Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Putin sa alegasyon na nangialam ang Russia sa US elections.
DZXL558

Facebook Comments