Russian President Vladimir Putin, Umaasang Susunod Ang Syria Sa Napagkasunduang Ceasefire Sa Biyernes

4

MANILA – Umaasa si Russian President Vladimir Putin na susunod ang Damascus sa nilagdaang Syrian ceasefire agreement na magsisimula sa Biyernes.Sa kanyang public address, binanggit niya na umaasa sila ni US President Barack Obama na susunod ang ilang bansa para sa pagpapatupad ng kasunduan.Kasabay nito, tiniyak ni Putin na handa ang Russia at US na magtayo ng direct line of communication at kung kinakailangan ay bumuo ng working group para sa palitan ng impormasyon.Sa kabila nito, nagbanta naman ang Riyadh-Based High Negotiations Committee na tatanggapin lang nila ang ceasefire kung masusunod ang kanilang humanitarian conditions. (DZXL 558 – Reilyn Arceta)

Facebook Comments