Russian tourists sa Mindanao na naipit sa lockdown, susunduin ng military plane ng Pilipinas sa kanilang flight pabalik ng Russia via Cebu

506

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na pumayag na ang Defense Department na gamitin ang military plane para sunduin ang mga turistang Russian sa Davao City.

Mula Davao ay dadalhin ang Russian tourists sa Mactan-Cebu International Airport para naman sumakay sa Russian chartered flight pabalik sa kanilang bansa bukas.


Una nang naantala ang pag-alis sa Mindanao ng mga dayuhang turista dahil kinailangan muna nilang makakuha ng quarantine pass.

Kagabi, dumagsa sa Mactan Airport ang French nationals at Vietnamese students na pabalik sa kanilang mga bansa.

Patuloy naman na tumatanggap ng tawag ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa foreign embassies sa Pilipinas na nagpapasaklolo sa kanilang nationals na stranded sa bansa.

Facebook Comments