Kayang magbigay ng immunity ng hanggang dalawang taon ang Russian vaccine na Sputnik V laban sa COVID-19.
Ayon kay Professor Denis Loginov, Deputy Director ng Gamaleya Research Institute, maaaring maprotektahan ang tao mula sa COVID-19 ng dalawang taon o maaaring higit pa.
Dagdag pa ni Loginov, wala ring nakikitang side effects sa mga indibidwal na naturukan ng bakuna maliban sa sakit mula sa injection area, hyperthermia o mataas na body temperature at sakit ng ulo.
Ang mga nakasubok ng bakuna ay nakapag-develop ng antibodies laban sa virus.
Ginagawa rin ng antibodies na patayin ang COVID-19 virus sa loob ng katawan.
Dahil sa magandang resulta sa unang dalawang trials ng Sputnik V ay nakakuha ito ng green light para maiparehistro sa Russia at nasertipikahan para sa emergency use.
Nabatid na nakatakdang gawin ang ikatlong phase ng clinical trials ng Russian vaccine sa Pilipinas sa ika-apat na quarter ng taon.