Thursday, January 22, 2026

Russian vlogger na nananakot na magpapakalat ng HIV sa Pilipinas, inaresto ng BI

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na kanilang naaresto ang Russian vlogger na nananakot via online na magpapakalat ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.

Ayon sa BI, naaresto ng mga operatiba ng Immigration Fugitive Search Unit ang naturang dayuhang vlogger na si Nikita Chekhov habang nasa loob ng isang condominium building sa Quezon City.

Batay sa impormasyon, dumating si Chekhov noong January 15, 2026 at matapos lamang ang kanyang pagdating ay nag-video ito sa commercial district sa Quezon city.

Mapapanood sa video na kanyang in-upload online ang nakakaalarmang mga pahayag at intensyon magpakalat ng HIV habang nasa Pilipinas.

Bagama’t itinuturing lamang ito bilang ‘rage-bait’, sinabi ni Immigration Commissiomer Joel Anthony Viado na papanagutin pa rin ang mga dayuhan dahil sa pagiging abusado at walang respeto habang nasa bansa.

Nahaharap naman sa ‘deportation’ ang naarestong vlogger at pansamantalang nananatili sa detention facility ng BI.

Facebook Comments