Palalawakin at pahahabain ni Panguloong Bongbong Marcos Jr. ang mga ruta ng EDSA bus carousel para mabawasan ang trapiko sa Metro Manila.
Ito’y matapos talakayin sa kauna-unahang Traffic Townhall Summit ang malalim na problemang kinahaharap ng bansa pagdating sa trapiko.
Ayon sa pangulo, hindi matutugunan ang problema sa matinding traffic kung hindi magkakaroon ng maayos na mass transit system sa bansa.
Bukod dito, bahagi rin ng plano ni Pangulong Marcos ang pagsasaayos ng stations at paggawa ng tulay sa Pasig River.
Tututukan din aniya ng pamahalaan ang mga active transportation facilities tulad ng mga walkways at bike lanes para isulong ang malusog at sustainable na paraan ng paglalakbay.
Pinatitiyak pa ng pangulo na dapat maging on time ang completion ng mga proyektong imprastraktura na nakalinya sa ilalim ng Build, Better, More.