Ruta ng mga bus na ba-biyahe sa pagsasara ng biyahe ng PNR, nakahanda na

Nakahanda na ang mga bagong biyahe ng bus sa rutang Tutuban hanggang Alabang at vice versa para makaagapay sa mga pasaherong maaapektuhan ng suspensyon ng biyahe ng Philippine National Railways (PNR) simula ika-28 ng Marso.

Ito ang inihayag ng Philippine National Railways kasunod ng pagsasara ng ilang ruta ng kanilang mga tren.

Para sa Alabang-Tutuban (Northbound) daraan ang mga bus sa: Alabang (Starmall), Manila South Road, East Service Road, Alabang (Entry), SLEX, Bicutan Exit, Bicutan Entry, Nichols Exit, Osmeña Highway, Quirino Avenue, Legarda Street, Recto Avenue, Abad Santos Avenue, Mayhaligue Street, at Divisoria (Tutuban).


Samantala, para naman sa Tutuban-Alabang (Southbound) daraan ang mga bus sa: Divisoria (Tutuban), Mayhaligue Street, Abad Santos Avenue, Recto Avenue, Legarda Street, Quirino Avenue, Nagtahan Flyover, Mabini Bridge, Quirino Avenue, Osmeña Highway, Nichols Entry, SLEX, Bicutan Exit, Bicutan Entry, at Alabang (Starmall).

Kung maalala, ang suspensyon ng biyahe ng PNR ay para magbigay daan sa kontrusyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project na kokonekta sa Clark sa Pampanga patungo hanggang sa Calamba, Laguna.

Ipatutupad din sa binuksang ruta ang umiiral na pamasahe para sa mga pampublikong bus na inaprubahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), na magsisimula sa pamasahe na P15 sa unang limang kilometro at dagdag naman na P2.26 sa kada kilometro.

Facebook Comments