Ruta ng P2P bus madadagdagan pa ng 3 – DOTr

Patuloy na nadaragdagan ang ruta ng P2P bus sa Metro Manila at karatig lalawigan tulad ng Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pangasinan, Zambales at Pampanga.

Ito ay para mabigyan ng mas mabilis ligtas at komportableng byahe ang mga pasahero.

Ang nasabing bus ay may TV, WiFi, aircon at CCTV. Maluwag ang loob na pang-VIP ang istraktura.


May saktong oras ito ng alis sa terminal hindi pahinto-hinto para magsakay ng pasahero dahil diretso na agad ito sa pupuntahan.

Sa EDSA, maaari itong magpalipat-lipat ng linya sa kalsada. Ang nasabing bus na kung minsan ay may eskort pa na pulis o traffic enforcer para di mahuli sa nakatakdang byahe.

Ayon sa DOTr kung noong 2016 – dalawa lamang ang ruta ng P2P bus ngayon nasa 37 na ito at madadagdagan pa ng 3 ngayong taon.

Bukod sa North EDSA to Makati kabilang sa 37 nadagdag na ruta ang:
NAIA – Alabang
NAIA – Sta. Rosa, Laguna
NAIA – Cubao
NAIA – Ortigas

Clark – Dagupan, Pangasinan
Clark – Subic, Zambales
Clark – North Edsa
Clark – NAIA
Clark – Lubao, Pampanga
Clark – North Edsa
Clark – NAIA

Facebook Comments