Inilabas na ng pamunuan ng Quiapo Church ang rutang daraanan ng Traslacion para sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Ngayong taon, gagamitin ang tinatawag na tradisyunal na ruta kung saan mula Quirino Grandstand ay kakanan ang prusisyon sa Katigbak Drive, kakanan ulit sa Padre Burgos sa Finance Road.
Didiretso na sa Ayala Bridge, kakaliwa sa Palanca Street, kanan sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui, kanan ulit sa Fraternal Street at Vergara Street.
Kakaliwa naman ang prusisyon sa bahagi ng Duque de Alba Street gayundin sa Castillejos at Farnecio Street.
Kakanan ulit sa Arlegui Street bago kumaliwa sa Nepomuceno Street at Concepcion Aguila Street.
Kakanan naman sa Carcer Street at Hidalgo sa Plaza Del Carmen bago kumaliwa sa Bilibid Viejo sa Gonzalo Puyat.
Kakaliwa rin sa JP de Guzman Street at kanan sa Hidalgo bago muling kumaliwa sa Quezon Boulevard at kumanan sa Palanca sa ilalim ng Quezon Bridge.
Kakanan ulit sa Villalobos patungo na ng Plaza Miranda.
Magsisimula ang prusisyon madaling araw ng January 9 habang sa hatinggabi naman ang Misa Mayor o concelebrated mass na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.