RUTA SA DAGUPAN CITY, MASYADO UMANONG MAIKLI; PAGMOMODERNISA NG MGA JEEP SA LUNGSOD, HINDI RAW KAKAYANIN

Hinaing pa rin ng kadalasan sa mga jeepney drivers sa dagupan city ang ipinatutupad na modernization program o ang public utility vehicle modernization program ng land transportation franchising and regulatory board.
Matatandaan na extended ng isang taon ang prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, at magpapatuloy pa rin sila sa kanilang operasyon sa pagpapasada ngunit ilang mga jeepney drivers ay nababahala pa rin sa pagdating ng total phase out ng mga jeep.
Daing ng ilang tsuper ang maliit at maikling ruta sa lungsod ng dagupan na hindi na umano kakailanganin pang maglabas na ng modernized na jeep dahil kakayanin naman ito ng mga tradisyunal na jeepneys.

Para na umanong mini bus ang mga modernized jeep na mas mabuti para sa mga rutang malalayo tulad ng mga pabyaheng lingayen, san carlos, urdaneta na tiyak maraming dadaanang mga barangay at bayan.
Dagdag din nila ang kung sakaling buwanang magiging bayad pagkatapos makapag-avail ng modernized puv, at ang maintenance nito.
Marami rin umano ang mawawalan ng trabaho na maaaring makaapekto sa kanilang pami-pamilya.
Hiling ng ibang jeepney drivers sa dagupan city, gawin munang back-up ang mga tradisyunal na dyip habang hindi pa tuluyang naipapatupad ang modernization program. |ifmnews
Facebook Comments