Ryza Cenon, bumuwelta sa isang netizen na nananakot sa kaniya

Showbiz – Pinalagan at sinagot ng aktres na si Ryza Cenon ang hate message ng isang netizen na umaakusa sa kanyang sinasaktan niya ang kasamang batang aktor sa kanilang teleserye na ika-6 na utos.

Sinabihan kasi na bobo ang aktres ng twitter user na @dorots122490 kung saan inakusahan pa ito na totoo na ang pananakit ni Ryza sa batang aktres na si Angelica Ulip at idinadamay pa ang mga mahal nito sa buhay.

Agad na sinagot ni Ryza ang paratang ng naturang netizen at sinabing hindi malakas ang ginagawa nitong pananakit sa bata dahil parte lamang ito ng teleserye.


Sa katunayan ay nandun din daw ang nanay ni Angelica habang sila ay nagshu-shooting kaya’t imposibleng gawin niya ito sa batang aktres.

Sa huli, sinabi ni Ryza na huwag nang idamay ang mga taong nasa paligid nito dahil kontrabida lamang sa teleserye ang kaniyang ginagawa taliwas sa totoong buhay.

Facebook Comments