“Engaged” na ang aktres na si Ryza Cenon!
Pero hindi sa isang lalaki kundi sa kanyang sarili.
Say ni Ryza – engaged lamang sya sa kanyang sarili kung saan ibinida niya ang isang singsing na tinawag niyang “self-love ring”.
Sa kanyang Instagram, makikita ang singsing na gold plated kung saan nakasulat ang pangalan ng aktres at mayroon ring round-cut diamond.
Paliwanag ni Ryza, ito ang paraan niya para magsabi ng “yes” sa pagpapaalala sa sarili na dapat itong mahalin bago ibigay ang puso sa kahit na sino.
Oras na dumating ang kanyang mr. right ay ililipat ni Ryza ang self-love ring sa kabilang kamay para tanggapin naman ang singsing mula sa taong mamahalin.
Facebook Comments