S-PASS REGISTRATION HINDI NA KAILANGAN SA PAGPASOK SA DAGUPAN CITY

LINGAYEN, PANGASINAN – Hindi na kailangan ang S-PASS Registration sa pagpasok sa Dagupan City ng mga indibidwal na manggagaling sa labas ng Pangasinan matapos ang deklarasyon sa pagsasailalim nito sa Alert Level 2 classification.

Ito ay base sa Executive Order No. 43-A na nilagdaan ng Alkalde ng lungsod noong ika-22 ng Nobyembre.

Kailangan na lamang ipresenta ang valid Id, vaccination card , address at contact number sa border checkpoint.


Ang sinomang indibidwal na mayroong sintomas ng covid-19 sa border ay dadalhin sa City Health office para sa assessment at recommendation.

Hindi naman papayagang makapasok sa lungsod ang indibidwal na mula sa mga areas na nasa ilalim ng granular lockdown, Alert Level 5 at ECQ maliban na lamang kung ang mga ito ay APOR.

Samantala, binago naman na ang curfew hours sa lungsod na ngayon ay nasa 12:00AM-3:00AM.###

Facebook Comments