10 first time winners ng RMN Radyo Saya 2021 Promo sa lungsod ng Maynila, todo pasalamat sa mga nakuha nilang premyo

Sampung masu-swerteng residente ng Brgy. 822 Zone 89 sa Paco, Maynila ang nakatanggap ng cash prizes at iba pang pa-premyo na hatid ng RMN Radyo Saya 2021 Promo.

Kabilang sa mga nanalo ay sina Emma Año, Ma. Hannah Harlam, Shane Marie Candelario, Teresita Isleta, Kim Antonio, Marissa Gonzales, Noli Blass, Tina Lagarco, Cecilia Lacuesta at Anna Nazario na first time lang maka-experience ng panalo sa promo.

Ilan sa mga napanalunan nila ay grocery items tulad ng delata, noodles, kape, gatas, biscuit, bigas, face mask, alcohol, vitamins at iba pang hygiene kit.


Namigay rin ng cash prize para naman sa Unique Smile of the Day kung saan bawat nanalo ay nagpa-picture sa ACS photobooth.

Facebook Comments