Sa Aklan, 22 health care workers at doctors ng provincial hopital, negatibo sa COVID-19

139

Kalibo, Aklan – Negatibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 infection ang 22 health care workers at mga doctors ng Aklan Provincial Hospital.

Ang nasabing mga health care workers at mga doctors ang nagbigay ng health attention sa 60 years old na German national mula sa San Jose, Romblon na positibo sa COVID-19 matapos lumabas ang specimen confirmatory test nito na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM ng dalawang beses noong March 28 at April 1, 2020.


Ang mga doctors at health care workers na ito ay mula sa emergency room at second floor ng Aklan Provincial Hospital kung saan sila ang nagkaroon ng close contact sa nasabing pasyenteng German national.

Matapos lumabas na positibo sa nasabing virus ang German national ayon kay Dr. Victor Santamaria, Provincial Health Officer II ng PHO-Aklan, agad na kinunan rin ng test samples ang 22 health care workers at doctors kung saan lahat nag-negatibo sa COVID-19.

Facebook Comments