Patuloy sa paghikayat ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa mga residente nito na magpalista na sa mga RHU at BHWS para sila ay mapabilang sa mga indibidwal na babakunahan.
Iginiit ni Ret. Col. Leonardo Solomon, Task Force Bakuna Chairman at POSO Chief, na kailangan pumunta sa mga BHWs upang maprofile na at hiling nito na kailangan sundin ang scheduling upang maging sistematiko ang pagbabakuna.
Ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ng Bayambang na kasabay ng paglaban sa COVID19 ay wala pa ni isa sa local health care workers o medical technologies na nangangasiwa sa mga pagkalap ng mga specimen ng close contacts o mga under investigation.
Nagpaalala si Dra. Paz Vallo ang mariing pagsunod sa health protocols dahil sa naobserbahan umano nito na sa ibang isinagawang programa ay tila nakalimutan ang social distancing.