SA BINALONAN, CHILDREN WITH DISABILITIES, NAHANDUGAN NG SCHOOL SUPPLIES; ART FESTIVAL PARA SA KABATAAN, ALAMIN!

Talagang kahanga hanga ang mga batang, sa kabila ng kapansanan ay nagpupursige pa rin na makapag aral. Kaya naman bilang bahagi ng selebrasyon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, pinangunahan ng Municipal Social Welfare ng bayan ng Binalonan ang pagbibigay ng mga libreng school supplies para sa mga Children with Disabilities na residente ng bayan.
Naganap ito sa Rock Garden White Tent noong July 21. Ang nasabing distribusyon ng mga gamit pang eskwela ay isang paraan lamang ng lokal na pamahalaan na makatulong sa mga magulang, upang hindi na nila iisipin pa ang pagkukunan ng panggastos para sa mga gamit ng mga bata sa darating na pasukan.
Samantala, sa bayan parin ng Binalonan, isang Arts Festival ang magaganap sa darating na August 17 to 18 kung saan libreng matututo ng iba’t ibang Arts ang mga kabataan edad 12 years old pataas. Kabilang na dito ang Watercolor Painting, Poetry writing, Crochet Making, Basic Painting at Photography. Maximum of 10 slots lamang kada klase kaya hinihikayat na ang mga kabataan na magpa rehistro sa Tourism Office ng Binalonan. Lahat ng gagamitin para sa workshop ay provided na ng lokal na pamahalaan. |ifmnews

Facebook Comments