SA BINALONAN: PAMPA-GOODVIBES NA RATING NG ISANG NETIZEN SA MGA ALAY NA PAGKAIN SA SEMENTERYO

Pagdating sa kaaliwan, hindi talaga pahuhuli ang humor ng mga Pangasinense. Sa nakaraang pagbisita natin sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay nitong nagdaang Undas, isang Facebook post ang trending ngayon dahil sa goodvibes na dating nito sa mga netizens. Aliw ang mga followers ni Murphy Marquez Grullo sa kaniyang “ratings” sa mga Atang o Alay na pagkain sa sementeryo.

Tradisyon na ng ilang Pilipino ang mag alay ng pagkain sa mga namayapang mahal sa buhay tuwing bibisita sa Undas. Kadalasan, mga paboritong pagkain ng namayapa ang iniiwan nila sa puntod nito. At sa kanyang pagdalaw sa Binalonan Cemetery, kinunan ng larawan ni Murphy ang mga nakita niyang Atang, sabay post ng ratings nito sa Facebook. Nakakaaliw na mga captions ang nilagay niya kaya patok ito sa netizens. Mga prutas, malalagkit na pagkain o kankanen, pizza, at marami pang iba ang ginawan nito ng ratings. Ayon sa isang caption niya sa pagkaing leche flan, “da best tamang tama ang tamis”. Sabi naman niya sa nakita niyang Deremen, “matabang, tapos may nauna pang tumikim”. Ilan lang yan sa nakakaaliw na post ni Murphy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments