Naging matagumay ang isinagawang provincial dengue day sa lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz, kahapon. Ito ay sa pangunguna ng provincial health office, Capiz Provincial Government, DOH, DepEd at iba pang national government agencies at non governmental organizations.
Ayon kay Mr. Joeffrey Espiritu, Development Management Officer IV ng Doh-Capiz, layunin ng nasabing programa na makapagsagawa ng simultaneous anti-dengue awareness activity laban sa lumulubong kaso ng dengue sa lalawigan. Nagkaroon din ng motorcade sa sentro ng lungsod at lectures sa mga malalaking paaralan kung paano maiwasan ang dengue.
Batay sa record ng Provincial Health Office at DOH Capiz, tumaas ng 700 percent ang kaso ng dengue sa Capiz kung saan umabot ito sa 1,136 at 7 katao na ang naitalang namatay.
Ang buwan hunyo ay ideneklarang National Dengue Awareness Month batay sa Proclamation no. 1204 ng dating Pangulong Fidel Ramos.