Sa Davao, fresh graduate, patay sa banggaan ng kotse at bus

Patay ang dalawang babae matapos bumangga ang sinasakyang kotse sa isang bus sa boulevard, Davao City bandang alas 4 kaninang madaling araw.

 

Sa report ng traffic group, kinilala ang mga namatay na sina Janilou Faye Rosales, 21 anyos, bagong graduate sa kursong bachelor in medical laboratory science kahapon lamang dito sa lungsod habang patay din ang kasamahan nito na si Melody Ybañez, 27 anyos.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, nag counterflow umano ang driver ng kotse sa linya ng metro shuttle bus rason na sumalpok ito sa bus.


 

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments