Inaasahang magpapatupad din ng taas-presyo sa kilo ng bigas ang mga rice vendor sa Bankerohan Public Market, Davao City kung magtataas din ng P5 pesos kada kilo ang presyo ng bigas ang kanilang mga supplier sa susunod na linggo.
Ayon sa rice vendors na sina Rejoy Pangalden at Jayson Mamontayao na as of April 11, 2023, ito ang presyo ng bigas sa nasabing merkado:
7 Tonner – P39/kilo
Special Rice Local – P45/kilo
Premium Grade Rice – P40/kilo
Red Tonner – P45/kilo
Samantala, siniguro naman ng Department of Agriculture (DA)Davao Region na may sapat na supply ng bigas ang Davao Region.
Ayon kay DA XI Rice Price Monitoring Focal Person Alex Sibuan, nagpapatuloy ang ani ng mga magsasaka ngayon at nag aangkat din ng bigas ang Rehiyon mula sa Caraga Region, South Cotabato, at iba pang karatig-bayan.
Dagdag nito, hindi umano apektado ang palayan sa Davao Region ngayong summer season. Mas malaki pa umano ang produksyon nito ngayon ikumpara sa wet season noong nakaraang taon.