Sa General Santos, foam board insulation na nakakabit sa dingding ng isang mall, bumagsak, isang tricycle, nawasak

86

Isang tricycle ang nawasak matapos nadaganan ng foam board na nakakabit sa wall ng isang malaking mall dito sa Gensan alas 7:00 pasado kaninang umaga.

 

Ayon kay Roselo Daligdig, may ari ng tricycle na habang syay naglilibot sa bahagi ng KCC Mall para maghanap ng pasahero, nakita nya umano ang kanyang mga kasamahang tricycle driver kaya huminto ito sandali para makipagchikahan pero bigla umanong bumagsak ang foam board insulation na naka-attached sa wall o dingding ng nasabing mall.


 

 

Hindi na nya nagawa pang patakbuhin ang kanyang tricycle dahil sa sobrang takot, ang ginawa nalang nito ay tumakbo sya palayo sa lugar para hindi matamaan.

 

 

Sa report ng CDRRMC-Gensan, maliban sa nadaganang tricycle, wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.

 

Agad namang nagpalabas ng advisory ang KCC Mall of Gensan hinggil sa pangyayari.

 

Ayon sa kanila na dahil umano sa sunod sunod na lindol, posibling humina ang kapit ng foam board kaya ito bumagsak. Wala namang dapat ipangamba dahil agad naman nila ito inaksyonan.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers