Sa General Santos, isang daang buntis nakilahok sa 16th araw ng mga buntis

Tinatayang nasa 100 na mga buntis ang nakilahok sa pag diriwang ng 16th araw ng mga buntis dito sa isang mall sa Gensan noong nakaraang araw.

 

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng grupo ng mga Obstetrical and Gynecologist kung saan, tinuruan ang mga buntis kung papano alagaan ang kanilang mga sarili habang nasa kanilang sinapupunan pa ang kanilang anak hanggang sa pag-aalaga ng kanilang sanggol kung silay magsilang na.

 

Tinalakay naman ang kahalagahan ng breast feeding dahil nagpapalakas umano ito ng resistensya ng mga sanggol. Pinag-usapan naman ang hinggil sa family planning kung saan ipinunto ng mga eksperto na hindi mabuti ang pagbubuntis ng isang ina bawat taon. Dapat papahingahin muna ang katawan ng isang ina bago muli magbuntis.


 

Highlight ng selebrasyon ang mga patimpalak kasama na dito ang Buntis Got Talent kung saan nagpasiklaban ng kanilang mga talento kagaya ng pagsasayaw at pag awit ang mga contestant.

Maliban dito may ibinigay ding mga regalo sa mga buntis na ikinatuwa naman ng mga ito.

Facebook Comments