Sa General Santos, P1.99B na investment hindi pa naibalik ng mga pulis

Aabot  umano sa P1.99 billion  na investment ng mga  pulis at sibilyan ang na-scam ng “ Police Paluwagan Movement” (PPM) sa pinapatakbo umano ng isang sheila agustin na taga gensan.

 

Kinumperma ni Police Chief Superintendent Eleseo Rasco, PNP Regional Director ng Police Regional Office 12 na marami na syang natanggap na reklamo mula sa mga police na umano’y biktima ng investment scam na PPM.

 

Kinumperma din nito na noong nakaraang taon ilang ulit syang nagpalabas ng advisory sa lahat ng mga police sa PRO-12 na wag sumali sa ganoong mga investment scheme dahil nagdududa ito na baka ito ay scam.


 

Ang PPM ay humihikayat sa mga police at sibilyan na mag invest ng pera kapalit ng 100 percent na tubo kada buwan sa kanilang investment kung saan sa loob mismo ng Camp Firmin Lira ginagawa ang transaksyon.

 

Sa ngayon hindi na lumantad ang tinuturong namumuno sa PPM na si  Sheila Agustin pati narin ang iba pang staff dahil umano sa banta sa kanilang buhay.

 

Hinikayat naman ni General Rasco ang lahat ng mga biktimang police at sibilyan na magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga namumuno ng nasabong investment scam.

Facebook Comments