
Hindi naging hadlang ang pag-ulan at pagbaha para sa anim (6) na magkasintahang itinadhana para sa isa’t isa.
Noong Hulyo 28, 2025, sa Dagupan City Museum, sa tulong ng City Population and Development at Civil Registry Office, natuloy ang kasalang matagal nang inaasam asam ng anim na magsing-irog, umulan man o umaraw.
Sa Barangay Poblacion Oeste, ang magkasintahang sina Cesar D. Escorpiso at Gina G. Lumangaya, pati Glenn B. Robosa at Leslie S. Cosep. Galing naman sa Pantal Centro ay ang magsing-irog na sina Rhyan R. Dela Cruz at Marie Kris N. Tolentino. Sina Ren Marc T. Camat at Dina R. Calugay naman ay nagmula sa Bonuan Boquig. Sina Dan Marc U. Dacasin at Diana Grace O. Vidal ay mula barangay Lasig Grande. At meron pang magmula sa Lemnos Greece at Bacayao Norte, sila ay ang magkasintahang Nicolaos Chrysanthis Kalafatis at Chariz Mari V. Geminiano. Magkakaibang barangay man ang pinanggalingan, hindi mapapantayan ang ngiti na masisilayan sa bawat mata ng mga taong nagmamahalan.
Bagaman dumaan ang ilang bagyo, hindi nito pinahintulutan na maudlot ang kanilang mga pangako para sa isa’t isa. Mabuhay ang bagong kasal! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









