
Sa gitna ng mga isyu ng katiwalian, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya uurong at lalong paiigtingin ang laban upang matiyak na ang bawat proyekto ng pamahalaan ay tunay na pakikinabangan ng sambayanan.
Sa kaniyang podcast, diretsong tinanong ang pangulo kung pinagsisisihan ba niya ang lahat ng sakit ng ulo sa puwesto.
Mariin naman ang sagot ng pangulo na ni minsan ay hindi siya nagsisisi na maging pangulo ng bansa, kahit pa bumibigat ang responsibilidad at patuloy na lumulutang ang mga anomalya sa flood control projects.
Giit pa nito, ang pagiging pangulo ay isang pribilehiyo at pagkakataon para tapusin ang mga problemang matagal nang pasakit sa bayan.
Ang pagiging pangulo aniya ay isang pribilehiyo at pagkakataon upang masolusyonan ang mga problemang matagal na niyang ipinaglalaban.









