Sa gitna ng nararanasang vog mula sa Taal kabilang sa Metro Manila, DOH pinag-iingat ang publiko

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa patuloy na nararanasang mataas na antas ng sulfur dioxide emission na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Epekto pa rin ito ng pagbuga ng usok ng Bulkang Taal sa Batangas na nakaabot sa mga karatig lugar maging sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, ang usok ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng pagka-irita sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na possible ring maging malubha depende sa tagal ng pagkakalanghap dito.


Kaya naman pinapayuhan din ng mga awtoridad ang mga may sakit gaya ng hika, iba pang lung at heart disease, matatanda, buntis at bata na umiwas lumabas ng bahay dahil mas sensitibo ang mga ito sa vog.

Sakali namang lalabas ay mainam na magsuot ng N95 face mask at uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang irritation.

Facebook Comments