Sa harap ng bumababang water level, Pantabangan Dam, tuloy-tuloy pa rin na nagsusupply ng tubig sa irigasyon

File photo by NIA-UPRIIS

Kahit may pagbaba sa lebel ng tubig sa dam at karamihan sa mga pananim ay nalampasan na ang reproductive stage, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalabas ng minimal amount ng irrigation water ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

Sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) – Upper Pampanga River Integrated Irrigation System Department Manager Rosalinda Bote, nagawa naman ng NIA na magpaulan sa area ng Pantabangan sa pamamagitan ng cloud seeding operations.

Preparasyon na rin aniya ito para sa irigasyon ng 140 libong service area sa susunod na dry season.


Ang kakulangan ng ulan sa mga nakalipas na buwan ang naging dahilan para bumaba ang imbak na tubig sa dam.

Una nang naglaan ang NIA ng P2.64 million mula sa kaniyang calamity fund para lang sa cloud seeding operation.

Facebook Comments