Sa harap ng pagboto ng mga senador sa impeachment ni VP Sara, kilos protesta, isinasagawa ngayon sa harapan ng Senado

Dumating na sa Senado ang daan-daang miyembro ng iba’t ibang grupo upang kalampagin ang Mataas na Kapulungan kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ngayong hapon kasi pagbobotohan ng mga senador ang kahihinatnan ng impeachment ni VP Sara kasunod na rin ng ruling ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional o labag ito sa Saligang Batas.

Narito sa rally ang mga dating mambabatas at miyembro ng Makabayan Bloc gaya nina Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes, former Representatives Sarah Elago at France Castro.

Sa panayam naman kay Castro, sinabi niyang dapat hintayin muna ng Senado ang magiging desisyon ng Korte Suprema lalo’t naghain ng Motion for Reconsideration ang Kamara.

Facebook Comments