Sa Ilocos Norte, rainwater harvesting tank sagot sa El Niño

Nakahanda ang iba’t-ibang munisipyo ng rainwater harvesting tank sa lalawigan ng Ilocos Norte upang malabanan ang matinding epekto ng El Niño sa bansa.

 

Ang rainwater harvester ay nakakatulong upang makaipon ng tubig mula sa ulan. Nitong mga nakaraang araw, may pabugso-bugso paring pag-ulan kahit damang-dama na ang init ng panahon kasabay ang pagbitak ng mga lupa.

 

Sa bayan naman ng Piddig dito, hindi problema sa kanila ang pagkukulang ng tubig dahil meron na silang malaking dam, ang Abucay impounding dam.


 

Ginawa ito ng local na gobyerno ng piddig sa pamamagitan ng pundo mula sa iba’t-ibang ahensya ng goyerno, na kung tag-ulan ay nakakalikom ito ng libo-libong metro kubiko at pinapakawalan ito tuwing tag-init.

 

Dahil dito, hindi masyadong naabala ang mga magsasaka sa bukid, maliban na lamang sa mga mangingisda na may mga fish pond sa kani-kanilang bayan.

Facebook Comments