Sa isinagawang inspeksyon kanina ng LTFRB, MMDA at LGU ng Quezon City – tatlong bus terminal na lumabag sa ‘Nose In, Nose Out’ Policy – sinilbihan ng closure order!

Manila, Philippines – Tatlong bus terminal sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City ang nasampulan ng mga otoridad dahil sa paglabag sa ‘Nose In, Nose Out’ Policy at pag-ooperate ng walang permit.

Nagsanib pwersa ang MMDA, LTFRB at Quezon City Government, agad na hinainan ng closure order ang mga bus terminal ng DLTB, Dimple Star at Roro Bus Line.

Iniinspeksyon naman ang mga bus terminal ng Lucena Lines, Raymond, St. Rafael, Our Lady of Salvacion, Jam Liner, Victory Liner at Superlines.


Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim – bibigyan ng pitong araw na final notice ang mga bus terminals na nakitaan ng paglabag, bago ipasara.

Tiniyak naman ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada na mabibigyan ng masasakyan ang mga apektadong pasahero.

Sa ilalim ng ‘Nose-In, Nose-Out’ Policy, sa loob na ng terminal dapat magma-maniobra ang mga provincial at city buses para hindi makakaabala sa daloy ng traffic.

Sa ngayon, nasa 7,500 ang bus na bumibiyahe sa *EDS*A habang nasa 900 ang mga bus terminal.

Facebook Comments