SA KABILA NG BATIKOS | Asec. Mocha Uson, tiyak na masaya matapos mabigyan ng pagkilala

Manila, Philippines – Masaya ang Palasyo ng Malacanang para kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson matapos itong makatanggap ng pagkilala mula sa Alumni Association ng University of Santo Tomas o UST.

Ito ay sa harap ng batikos na inani nito mula sa mga netizens maging sa ilang mga grupo sa UST kabilang na ang Central Student Council nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinatutunayan lang nito na ang pagkakatalaga kay Uson ay may magandang dahilan.


Tiyak din aniyang malaking karangalan kay Uson na makatanggap ng pagkilala mula sa pinakamatandang unibersidad sa buong Asya.

Facebook Comments