Sa kabila ng kontrobersiya sa flood control projects; Bonoan, hawak pa rin ang tiwala ni PBBM

Sa gitna ng mga batikos dahil sa isyu ng maanomalyang flood control projects, nananatiling matatag ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Pahayag ito ng Palasyo sa kabila ng mga lumalakas na panawagan na palitan na ang kalihim.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, walang indikasyon o anumang plano mula sa pangulo na alisin si Bonoan sa puwesto.

Malinaw aniya itong senyales na buo pa rin ang kumpiyansa ng pangulo sa pamumuno ng kalihim, sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa mga proyekto ng ahensya.

Samantala, dumistansya naman ang Palasyo sa mga ulat na sinasabing kinakausap na umano si dating DPWH Secretary Rogelio Singson para muling pamunuan ang ahensya.

Facebook Comments