Tiniyak ng Commission on Audit (COA) ang patuloy na pagsunod sa mga umiiral na batas sa kabila ng natanggap ng kritisismo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay COA chairman Michael Aguinaldo, bagama’t naiintindihan niya ang sinabi ng pangulo, mali pa rin ang sinabi nito na nagkakaroon ng “flogging” sa kanilang ahensiya.
Karaniwang ginagamit ang “flogging” sa media pero pagtitiyak ni Aguinaldo ay hindi ito pwedeng gamitin sa COA dahil tanging positibo lamang ang kanilang obserbasyon.
Matatandaang kinastigo ni Pangulong Duterte ang COA at sinabihan na ihinto ang “flogging” nito sa mga government transaction at pagsasapubliko ng mga report dahil nababahiran ng korapsyon ang mga ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments