Sa kabila ng mga panawagan, Brazilian President – nanindigang hindi bababa sa pwesto

78

World – Nanindigan si Brazilian President Michael Temer na hindi ito bababa sa pwesto.

Sa harap na rin ito ng malawakang panawagan ng pagbibitiw ni Temer sa pwesto dahil sa isyu ng kurapsyon.


Iginiit ni Temer na mangangahulugang siya ay guilty kung siya ay magreresign bilang pangulo ng Brazil.

Matatandaang inakusahan si Tremer na nakikipagsabwatan sa kanyang chief coalition partner para bayaran at patahimikin ang mga testigo sa imbestigasyon ukol sa kurapsyong kinasasangkutan nito.
DZXL558

Facebook Comments