Sa kabila ng pagbaba ng ilang industriyang pangkabuhayan, employment rate ng Pateros, nananatiling matatag!

Walang kupas ang bayan ng Pateros kung balot ang pag-uusapan, isama mo pa ang masarap nilang salted eggs.

Pero lingid sa ilan, hindi lang pala sa balot at itlog na maalat namamayagpag ang Pateros kung hindi maging sa industriya ng paggawa ng tsinelas na alfombra.

Malaki ang naiambag ng 2 industriyang ito sa antas ng paggawa sa bayan ng Pateros kung saan, maraming nabubuhay sa balot at alfombra.


Magkagayunman, sinabi ni Mr. Renato Bade, Municipal PESO Manager/Tourism Officer at Executive Assistant to the Mayor, bumaba ang industriya ng alfombra.

Naapektuhan umano ito ng pagdagsa ng mga kaparehong produkto na mula sa Tsina. Masyado kasing mababa ang presyo ng mga ito kumpara sa orihinal na alfombrang Pateros na nagkakahalaga ng hanggang ₱250.

Pero hindi ito nakakaapekto ng husto sa paggawa dahil nagsulputan naman ang iba’t ibang trabaho dito.

Malaki rin ang naitutulong ng kanilang mga jobs fair kung saan nakapag-ambag ng work force ang  Pateros sa labas ng kanilang munisipalidad.

Wala ring pagbabago sa usapin ng balot dahil wala pang 2 buwan, nagkaroon ng sariling egg incubator ang LGU Pateros na ang layunin ay maging sentro sila ng balot incubation upang mapanatili nito ang mataas na kalidad ng balot ,  dahilan upang lalong makilala ang bayang ito.

Balot capital ng NCR – Pateros!(DZXL RadyoMaN Ronnie Ramos)

 

Sa mga nais magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
o mag text sa radyo trabaho textline: 0967 372 9014

Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Facebook Comments