Sa kabila ng pagbawas ng 75 na security detail, VP Sara Duterte mas marami pang body guard kay PBBM –DOJ

Courtesy: Inday Sara Duterte FB

Mas marami pa umanong body guard si Vice President Sara Duterte kumpara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, sa kabila ng pagtanggal ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil sa 75 na security personnel ng bise presidente.

Sa Kapihan sa DOJ, sinabi ni Remulla na nasa 320 pa rin ang security personnel ni Duterte na mas marami pa umano sa Presidential Security Group na naka-assign kay Pangulong Marcos Jr.


Nitong nakaraang araw nang maglabas ng open letter ang pangalawang pangulo kay Marbil dahil sa pagtanggal ng seguridad na tinawag pa nitong political harassment.

Umapela pa si Duterte sa taumbayan na protektahan ang kaniyang pamilya laban sa anumang karahasan.

Sa Facebook post naman ni Senator Bato dela Rosa na isang dating PNP Chief, hinikayat nito ang mga dating pulis at sundalo na mag-volunteer para maging security detail ng pangalawang pangulo.

Facebook Comments