Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng militar sa rebeldeng New People’s Army.
Sa kabila ito ng ginagawang back channeling talks para buhayin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NPA.
Giit ni AFP-Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo – hindi papayag ang AFP na magpatuloy ang panggugulo ng NPA lalo’t wala pa namang opisyal na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para itigil ang kanilang operasyon.
Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ikinalulungkot ng gobyerno ang mga pag-atake kamakailan ng rebeldeng grupo partikular sa Abra, Cotabato, Surigao Del Norte at Camarines Sur.
Ayon naman kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, tiniyak sa kanila ng kampo ng npa na tututukan nila ang mga nabanggit na insidente.
Sa latest record ng AFP, umabot na sa 61 mga pag-atake ang kanilang naitala mula nang ipabasura ni Pangulong Duterte ang peace talks noong February 4.