MANILA – 24 ang kumpirmadong bilang ng rebeldeng napatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa butig, Lanao Del Sur.Sa interview ng RMN kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, sinabi niya na lima naman sa panig ng militar ang nasawi habang anim ang nasugatan.Kasabay nito, sinabi ni Padilla na hindi pa dapat payagan na makabalik ang residente dahil sa posibleng may mga IED pa na naitanim ang mga rebelde sa lugar.Umaasa siya na matatapos na nila ang bakbakan at unti-unti nang magbalik normal ang pamumuhay sa lugar.Kaugnay nito, tiniyak ng Malakanyang na tutulungan ng gobyerno ang mga residenteng apektado ng bakbakan.Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Undersecretary Manolo Quezon, ang DSWD ang nangunguna sa pagtulong sa mga mamamayan sa lugar.Makakatuwang ng DSWD ang Local Government Units sa pagtulong sa mga nasa evacuation centers.Pinasalamatan ni Quezon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pakikipag-coordinate nito sa pamahalaan kung saan nagsagawa pa ng repositioning sa kanilang tropa para mabigyang daan ang military operation at maiwasan ang misencounter.
Sa Kabila Ng Paghupa Ng Bakbakan Sa Butig, Lanao Del Sur… Mga Residente, Sinabihang Tumigil Muna Sa Mga Evacuation Cente
Facebook Comments