Sa kabila ng pagsampa sa 80k ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, second wave ng kaso, imposible pa rin

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa rin sa second wave ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kahit umabot na sa higit 80,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso, hindi pa rin ito nangangahulugang nasa 2nd wave na ang bansa.

Inaasahan din aniya ang pagtaas sa kaso ng COVID-19, dahil sa pagluluwag ng quarantine protocols mula pa nitong ika-1 ng Hunyo para payagan ang mga manggagawang makapasok sa trabaho at ang expanded testing.


Facebook Comments