Sa kabila ng umiiral na mommunity quarantine, tuloy pa rin ang ensayo ni Skater Margielyn Didal para sa nalalapit na Olympic Qualifying Competitions sa 2021.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Officer-In-Charge Ramon Fernandez, inayos na niya ang lugar na gagamitin ni Didal sa ensayo nito na katabi lang ng coliseum sa Lapu-Lapu City.
Aniya, gagawin ang ensayo ni Didal tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes kung saan nagrequest na siya ng pass mula kay Philippine National Police Region 7 Director General Albert Ferro, at nakipag-ugnayan na rin sa lokal na pamahalaan ng lungsod .
Si Didal ay nagwagi ng isang gold medal sa Asian Games noong 2018 at dalawang ginto naman sa Southeast Asian Games nitong 2019.
Facebook Comments