SA KULUNGAN ANG TULOY | Mister, pinahuli ni misis dahil sa hindi pagbabayad ng pinadalang pera sa mga gastusin para sa kanilang kasal

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos ireklamo ng pangingikil ng pinakasalang babae.

Sa reklamo ng biktima na Overseas Filipino Worker na hindi na pinangalan ng mga awtoridad, sa pag-aakala niyang inaasikaso ng kanyang mister na si Raul Domingo ang kanilang church wedding ay hindi pala nito binabayaran ang mga dapat bayaran sa kanilang kasal.

Ayon sa biktima, nagpadala siya ng pera sa suspek na aabot sa 80,000 para sa kanilang kasal na magaganap sana kahapon, December 22.


Kwento ng biktima, bigla na lamang hindi nagparamdam si Raul matapos maipadala ang pera.

Nalaman na lamang niya na hindi pala binabayaran ni Raul ang lahat ng kanilang kailangan sa kasal.

Nabatid na nauna ikinasal ang dalawa sa huwes nito lamang December 11.

Sa ngayon ay inaalam pa ng CIDG Quezon City kung may iba pang biktima si Domingo at nahaharap na rin siya sa kasong robbery-extortion at violence against women.

Facebook Comments