Sa Lanao Del Norte, dating Bise Mayor sa Zamboanga Del Sur, sugatan sa pananambang

Sugatan ang dating bise mayor sa Zamboanga Del Norte sa pamamaril kaninang pasado alas-8:00 ng umaga, sa barangay Esperanza, bayan ng Bacolod sa Lanao Del Norte.

 

Kinilala ang biktima na si Nacianceno Pacalioga, 57 anyos, dating bise mayor ng bayan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur.

 

Naging Mayor rin si Pacalioga sa nasabing bayan.


 

Ayon kay Senior Inspector Salman Saad, information officer ng police provincial police office Lanao Del Norte, bumaba ang biktima mula sa kanyang sasakyan upang umihi sana sa may damuhan.

 

Biglang dumating ang riding in tandem at pinagbabaril ang biktima sa likuran.

 

Nagtamo ng sugat ang biktima ngunit hindi napuruhan.

 

Nagpapagaling ito ngayon sa iyang hospital sa Iligan City.

 

Galing ng Iligan si Pacalioga at pauwi na sana ng Zamboanga Del Sur ng mangyari ang pamamaril.

Facebook Comments