SA LAOAC: BARANGAY CAPTAIN, PINAGBABARIL NG RIDING IN TANDEM HABANG LULAN NG MOTORSIKLO, PATAY

LAOAC, PANGASINAN – Patay ang kapitan ng Barangay Talogtog, Laoac, Pangasinan matapos pagbabarilin habang lulan ng motorsiklo kasama ang kanyang anak.

Kinilala ang biktima na si Eleseo Bergonia, 54 anyos.

Sa imbestigasyon ng otoridad, lulan ng motorsiklo ang biktima na minamaneho ng kinse anyos na anak nito sa kanilang barangay nang sundan sila ng riding in tandem at pinagbabaril ang suspek.


Tatlong tama ng bala ang natamo ng biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.
Itinakbo pa sa ospital si Bergonia ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakaligtas naman ang anak nito ayon sa otoridad. Nagsagawa na ng dragnet operation ang PNP para sa posibleng pagkakadakip ng mga suspek.

Facebook Comments