Sa Maguindanao, 6.8 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa drug operation

Huli sa drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-PDEA BARMM ang isang criminology graduare sa brgy. Poblacion Dalican, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

 

Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin ay naarestong suspek na si Sahid Usop Talib, 28 anyos  at itinuturing na high value target ng PDEA BARMM.

 

Nakatakas naman ang kasama nitong si Omar Misuari na  nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga otoridad habang isinasagawa ang buy-bust operation.


 

Nakuha mula sa suspek ang nasa isang libong gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 6,800,000.00 pesos.

 

Kabilang pa sa mga nakuha mula sa kanya ang marked money, sling bag, isang unit ng black honda civic, dalawang cellphone at ilan pang drug paraphernalia.

 

Nakakulong na sa lock up cell ng PDEA-BARMM dito sa lungsod ang suspek habang patuloy namang pinaghahanap ang kasama nitong si Misuari na nakatakas sa operasyon.

Facebook Comments