Manila, Philippines – Wala kinalaman ang tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbiyso ngayon.
Ito ang lumabas sa pagdinig na isingawa ng committee on economic affairs na pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, mararamdaman ang epekto ng TRAIN sa presyo ng mga bilihin pagsapit ng mayo hanggang Agosto ngayong taon.
Sa hearing ay ipinaliwanag ng Department of Finance na ang moderate inflation level ngayon ay dahil sa fluctuations o paiba ibang presyo ng produktong petrolyo sa padaigdigang merkado, kasama din ang paghina ng piso kontra dolyar.
Sang ayon din si Gatchalian sa pahayag ng Department of Finance na maliit at manageable ang nararansang inlflation ngayon sa ekonomiya ng bansa.