Sa mga hindi naniniwala sa bakuna, mamatay na lang- Pangulong Duterte

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taong hindi naniniwala sa bakuna na mamatay na lang.

Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ni Pangulong Duterte na isa rin sa problema sa vaccination ay ang mga taong tinamaan ng COVID-19 na ayaw magpabakuna.

Iginiit ng Pangulo na magpapatuloy ang hawaan kung may mga ganitong tao na tatanggi sa bakuna.


Aminado ang Pangulo na hindi sapat ang supply ng bakuna sa bansa at posibleng abutin pa ng mahabang panahon bago makatanggap ang bansa ng sapat na supply ng bakuna.

Ang Pilipinas ay makatatanggap ng dalawang milyong COVID-19 vaccines mula sa Sinovac at Gamaleya ngayong buwan.

Ang 194,000 vaccine shots ng American Biotech firm Moderna ay darating sa Mayo.

Facebook Comments