Sa NBA, Denver Nuggets, panalo kontra Portland Trail Blazers sa game 1 ng Western Conference Semi Finals

Nagpakitang-gilas kaagad ang Denver Nuggets matapos talunin ang Portland Trail Blazers sa game one nang nagpapatuloy na semifinals ng NBA Western Conference, 121 – 113.

Hindi maawat si Nuggets Center Nikola Jokic at nakapagpasok siya ng 37 points at 23 points para kay Jamal Murry.

Ayon kay Nuggets Coach Michael Malone, na aminado siya na nakukulangan pa siya sa defense strategy nila dahil na pagiging agresibo ng blazers.


Gaganapin ang Nuggets, Blazers Game 2 bukas, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments