Sa NBA, Golden State Warriors pinalubog ang Charlotte Hornets

Pinalubog ng Golden State Warriors ang Charlotte Hornets, 137 – 90.

 

Pinagtulungan itong tambakan nina Warriors players Stephen Curry na umiskor ng 25 points; Klay Thompson, 24 points at Quinn Cook na may 21 points.

 

Sa kabila ng panalo, aminado si Warriors coach Steve Kerr na magaling at mahirap kalaban si Kemba Walker ng Hornets.


 

Sa ngayon, nangunguna pa rin sa Western Conference ang Warriors habang nasa ika-sampung pwesto naman ang Hornets sa Eastern Conference.

Facebook Comments